QUICK REGISTER HERE

QUICK REGISTER HERE
Input your Globe/TM Number

Saturday, April 23, 2011

BAKIT AKO NABAWASAN NG 15 PHP EH SABI FREE REGISTRATION ANG GRAB-A-GOLD! PLEASE READ!

Madalas ito ang nagiging tanong or reklamo ng ilang Grab-a-gold players pag nababawasan na sila ng 15 pesos sa kanilang load. Yung iba, aakalain na baka scam ito ng globe para kumain ng load ng subscribers, kaya nararapat lamang na linawin ito.

Ayon sa Policies/Mechanics ng Grab-a-gold game, FREE talaga ang registration, that means, walang bayad pag niregister mo ang nickname at number mo. Ang nang text na matatanggap mo ay ang verification code ng registration mo. Syempre, kung wala ang security feature na ito, maari ka na lang mag-register ng mga number kahit hindi iyo.

May bawas na ba sa load sa pagkakataong ito? WALA PA.

Pagkatapos mo makuha ang verification code at ilapat ito sa verification string kasama ng password mo, maari ka ng pumasok sa GRAB-A-GOLD Website.

May bawas na ba sa load sa pagkakataong ito? WALA PA.


Sa stage na ito, may free bonus games (3-day-trial) na pwede mo ng laruin at makaipon ng Golds at may 3 FREE SPINS na kung saan ay may chance ka manalo ng mga UNLOCKED PRIZES (Load, Gcash at Ipad Wifi). Subalit ang mga Golds na maiipon mo ay naka-lock, ibig sabihin, hindi mo magagamit ito para mag-spin sa wheel (100 golds kada spin).

So, naka-register ka na, nakapaglaro ng bonus games at nakaipon ng golds, nagamit ang 3 Free Spins… May bawas na ba sa load sa pagkakataong ito? WALA PA.

Kung nanaisin mong tumigil sa stage na yan, maari lang since may 3-day-trial ka, yun nga lang, di mo magagamit ang golds mo para mag-spin at mag-unlock ng mga locked prizes at wala ka ng free games na laruin after ng trial period. Subalit kung nag-enjoy ka at pinili mong ituloy ang games, nakita mo yung BUY sa mga games pack at nag-click ka, matatanggap mo ang text na ito sa 8888

GRAB-A-GOLD: Congratulations! Uv subscribed to Games Pack <X>. Today is FREE! Ul be charged P<X> tomorrow. To opt out, reply STOP GAME <X>. Visit www.grabagold.com 

Sa pagkakataong yan, ikaw ay meron ng subscription sa isang game pack kung saan makakapamili ka ng games na nanaisin. Gaya ng sabi ng text, Ngayon ay walang bawas sa load mo, bukas meron na. Ibig sabihin may 24 hours ka na free para laruin ang games ng walang charge at pwede mo ng gamitin ang golds mo sa pag-spin at pag-unlock ng prizes.

May bawas na ba sa load sa pagkakataong ito? WALA PA.

Kinabukasan pagkalipas ng 24 oras, whether online ka o hindi, makakatanggap ka ng text na galing sa 8888.

GLOBE GAMES: U r subscribed to Games Pack A (or B). Uv been charged P15, giving u access until _______ (date 5 days after). To optout, reply STOP GG B. etc….

Marami ang nagugulat pag dumating ang text na ito dahil matatanggap mo siya kahit nasaan ka man at dahil dyan maraming nagre-react kung bakit nangyari yon.

May bawas na ba sa load sa pagkakataong ito? MERON NA.

Pagkatapos ng above event, mamimili ka ngayon kung itutuloy mo pa ba o hindi na ang registration mo sa GRAB-A-Gold.

A. ITUTULOY: 
Kung itutuloy mo ang paglalaro at ma-enjoy ang features ng Grab-A-Gold, mababawasan ka ng 15 pesos every after 5 days dahil sa subscription mo sa Games Pack. Habang ikaw ay may subscription, asahan mo na babawasan ka ng 15 pesos kada 5 araw, AUTOMATICALLY at makatatanggap ka ng confirmation nito.

B. HINDI ITUTULOY: 
Maaari kang mag-quit anytime pero hindi mo na mababawi ang load na nabawas na subalit ang games pack na na-subscribed mo ay mananatili hanggang ma-expire in 5 days. May paraan sa pag-opt-out: itext ang:

STOP GAME <game pack#> or STOP GAME ALL to 8888

At makakatanggap ka ng reply na:

GRAB-A-GOLD (Games Pack <#>): You’ve unsubscribed. You will no longer be charged. Your access will end on 11:59pm of <date>. Visit www.grabagold.com from any pc. 

Or, pwede ka din maag-opt-out sa Grab-a-Gold website by clicking UNSUBSCRIBE sa My account page at makakatanggap din ng parehong text sa 8888.

Kapag wala ka kahit isang subscription, or expired na ang subscription mo at hindi ka mabawasan dahil posibleng wala kang load at the time na dapat bawasan ka every after 5 days..maaring ma-expire ang naipon mong gold at di mo na ito magagamit. Paalalahanan ka ng 8888 ng:

GRAB-A-GOLD: You must maintain at least one Games Pack subscription to keep your <amount> Globe Gold. If you proceed with this opt out, your Globe Gold will expire on <date/time>. To proceed, reply with STOP GAME ALL for free. 

Ang mga ito ay hango sa Game Mechanics ng Grab-A-Gold na makikita sa “Learn More” ng website. Ito ay upang magkaroon ng paunang paunawa sa mga maaring nagtatanong o naguguluhan lalo na pag nabawasan ka na ng 15 pesos.

Ako ay isa lamang sa mga fans ng Grab-a-Gold at hindi ito sponsored ng Globe or ng Grab-A-Gold. Nais ko lamang makatulong. Salamat.




Please like the Facebook page. Thanks.

2 comments:

  1. theres no unsubscribe button in my account

    ReplyDelete
  2. Unable to purchase and sell Bitcoin in Binance+1【(877)-330-7540】
    Are you getting issues and snags while purchasing and selling bitcoin in Binance? Are these issues and snags creating error and have stopped you working as your account is busy in dealing with other mess? If yes, don’t waste your precious time in finding out the solutions, you can dial Binance Support Number +1【(877)-330-7540】 which is always at your service and you can approach the team of executives who have detailed knowledge about Binance and can resolve all type of queries in Binance.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

ShareThis


share/bookmark